Dayo sa illegal drugs unahin sa pila ng bitayan

preso

Itinutulak ng isang mambabatas sa Kamara na unahing bitayin sa pamamagitan ng pagbigti ang mga dayuhang sangkot sa iligal na droga dahil dumarami­ pa ang mga ito.

Ito ang nilalaman ng House Bill 860 na inakda ni Tarlac Rep. Victor Yap upang tumigil na ang mga ­dayuhan na gawing labortoryo ng shabu ang Pilipinas­ dahil alam nilang hindi sila mabibitay kapag sila­ ay mahuli.

Patunay dito ng pagkakaaresto ng third in command ng Sinaloa Drug Cartel ng Mexico na si Horacio­ Hernandez na natimbog noong 2015, dahil alam nito na kahit gaano karami ang drogang makumpiska sa kanya ay hindi siya bibitayin.

Maliban dito, parami nang parami ang mga ­dayuhang nakikipagsapalaran sa Pilipinas tulad ng pagkakaaresto ng may 8,428 dayuhan noong 2014 na pawan­g sangkot sa iligal na droga tulad ng pagluluto at pagbebenta ng iligal na droga.