Isang dayuhan ang natagpuang patay sa loob ng kuwarto ng kanyang tinutuluyang bahay sa San Juan, Batangas, Martes ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Juma Abdulla Ramadhan Al Suwaidi, 66 ,United Arab Emirates (UAE) national at at pansamantalang nanirahan sa Brgy. Bataan.
Batay sa ulat, Martes ng umaga nang makita na lamang na walang buhay ang dayuhan habang nakahiga sa kanyang kama sa bahay ng kanyang biyenan.
Ayon sa mga awtoridad, dumating sa bansa ang naturang dayuhan noong nakaraang buwan galing sa UAE at naka-self quarantine sa bahay ng kanyang biyenan.
Naiwan naman sa UAE ang asawa nitong Pinay.
Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad at posible umanong heart attack ang ikinasawi nito dahil kamakalailan lamang ay sumailalim ito sa heart operation at nakakaranas pa rin ito ng high blood pressure.
Ayon sa report, kinuha na ang immigration ang labi ng biktima at upang dalhin sa UAE embassy sa bansa para sa disposisyon sa labi. (Ronilo Dagos)