DBM naglabas ng P30.8N karagdagang pondo sa LGU

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P30.8 bilyong karagdagang pondo sa mga pamahalaang lungsod at bayan para mapalakas ang kakayahang umaksyon laban sa COVID-19.

Ayon sa DBM, ang pondong tinatawag na Bayanihan Grant to Cities and Municipalities ay isang one-time financial assistance na katumbas ng isang buwang halaga ng kanilang internal revenue allotment para sa taong 2020.

Maaring gamitin ang pera pambili ng personal protective equipment (PPE) , COVID-19 testing kits, gamot at bitamina, hospital equipment at supplies, food assistance, upa sa mga gusaling gagamitin para sa mga COVID-19 patient at iba pa.

Sabi ng DBM, ang perang hindi magagamit kapag naalis na ang State of Calamity ay ibabalik sa National Treasury. (Eileen Mencias)