DDR dapat nang ipasa

Kailangan ang mabisang ‘unity of ­command’ na layunin ng panu­kalang Department of ­Disaster Resilience (DDR).

Ayon ka Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House committee on ways and means at ­pangunahing may-akda ng DDR bill, ipinahihiwatig ng matitinding ­kalamidad na tumamama sa ­bansa nitong ilang buwang nakaraan, pati na ang pagsabog ng Bulkang Taal ang ­kahalagahan ng Philippine ­Institute of Volcanology and Seismology (­Phivolcs) at Philippine Atmospheric, ­Geophysical and Astronomical ­Service ­Administration (PAGASA) bilang ‘warning agencies’ na dapat maging bahagi ng DDR.

Kaugnay nito, ­muling umapela si Salceda na madaliin ang pagpasa sa panukalang DDR ng ­Senado kung saan ito nakabinbin.

Pumasa na ito sa Kamara nito nakaraang taon. Itinalaga itong prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte pero naantala dahil sa pagkontra ng ilan sa paglagay sa ilalim ng DDR sa Philvolcs at PAGASA na kasalukuyang nasa ilalim ng Department of Science and Techno­logy (DOST).

Isang buong departamento ang panukalang DDR na pamumunuan ng isang cabinet secretary na suportado ng mga undersecretary, assistant secretary at mga director.