Napreserba ng De La Salle-Zobel ang 1-0 pana­lo kontra Ateneo para ituloy ang impresibong run sa UAAP Season 79 juniors football tournament sa Moro Lorenzo Field nitong Sabado.

Sa 33rd minute, nakawala si skipper Miguel Basmayor para pahilikin ang bola sa net at nagtuloy ang Junior Archers sa pagsilo ng six points.

Tatangkain ng De La Salle-Zobel na walisin ang first round kontra UST sa Sabado.

Sinorpresa ng DLSZ XI ang FEU-Diliman 2-1 sa season opener para tapusin ang 23-match unbeaten streak ng defending six-time champions.

Pagkatapos ng talo, pinagdiskitahan ng Baby Tamaraws ang Tiger Cubs 7-1 para okupahan ang second place sa three points.

May tig-isang puntos ang Blue Eaglets at UST, pero nasa No. 3 ang Ateneo dahil sa mas mataas na goal difference.