DE LEON ROARS

Christopher de Leon

NAG-37TH wedding anniversary bilang mag-asawa sina Sandy Andolong at Boyet de Leon kahapon, at maliban sa kanilang kani-kanyang projects — ang Northern Lights at Home Sweetie Home kay Sandy, at ang bagong serye with Jodi Sta. Maria at Robin Padilla para kay Boyet — mas excited sila sa kahihinatnan ng anak nilang si Ma. Angelica “Ma­riel” de Leon sa Bb. Pilipinas sa Abril.

Candidate #15 siya sa Bb. Pilipinas kaya hinihimok nilang pa­milya na bumoto na online using the hashtag #Binibini15 dahil sabi nga nila… De Leon Roars.