De Lima, ‘di kailangang operahan sa atay

Inilabas na kahapon ni Sen. Leila de Lima ang resulta ng kanyang me­dical check-up sa natuklasang bukol sa kanyang atay at ipinahayag nito na hindi malala o nakamamatay ang naging resulta ng pagsusuri.

Ayon sa senadora, nakuha na niya ang resulta ng isinagawang medical checkup noong Pebrero 15, 2018.

Dito ay lumalabas umanong hindi naman “malignant” ang nasabing bukol kaya hindi na siya kailangang operahan.

“I have received the results of my CT-Scan and am very grateful that the impression of a “liver mass” detected from my check-up last February 15 is not malignant. This means that there is no need for an operation,” pahayag ni De Lima sa kanyang statement mula sa kanyang detention facility sa Camp Crame sa Quezon City.