Kinumpirma ng dala­wang Chinese drug lord na humarap sa Kamara na nagbigay ang kanyang grupo ng drug money kay ­da­ting Justice Secretary Leila­ de Lima bilang suporta sa kandidatura nito noong ­nakaraang eleksyon.

Sa sinumpaang salaysay ni Peter Co na binasa ng kanyang abogado ay iginiit nito na mismong si Jaybee Sebastian ang kumausap sa kanya para sumosyo sa negosyo nito ng iligal na droga.

Noong una ay tumanggi umano ito dahil ayaw niyang ipahamak ang mga kasosyo sa labas.

Subalit noong 2010 ay napatunayan umano ni Co na maimpluwensya si ­Sebastian at malapit ito kay De Lima nang maili­pat­ ito sa Penal Colony­ sa ­Palawan at noong 2012 sini­mulan na nyang kausapin ang mga kapwa­ ­Chinese inmates para magkontribusyon sa pagtakbo ng kalihim.

Umabot umano sa P10M ang kanyang naibigay para sa kandidatura ni De Lima na may pagkaka­taon na si dating Bucor OIC Rafael Ragos pa ang nagdedeliber ng drug money.

Noong March 2016 ay inipit naman umano ang kanyang pamangkin na dumalaw sa kanya at binantaan pang kakasuhan. Para mapalaya ang kanyang pamangkin at pamil­ya nito, nagpatulong siya sa isang ‘JAD’ na pamangkin umano ni De Lima. Aabot umano sa P2.8 milyon ang ibinigay nila kay JAD kapalit ng kalayaan ng kanyang pamangkin. Maging ang kanilang 4 na sasakyan ay kinuha rin umano ni JAD na kailangan din umano para sa pangangampanya ni de Lima.

Sa testimonya naman ni Vicente Sy, nakapagbigay din, aniya, siya ng P1.5M para umano sa kandidatura ni De Lima.

Si Sebastian umano­ ang kumausap kay Sy para maging centralized ang operasyon ng droga sa NBP na ang kita ay para sa kampanya ni De Lima at noong una hindi siya sumunod kaya nailipat siya sa penal farm sa Mindoro. Upang makabalik sa Bilibid ay nagbayad naman ­siya ng P1M sa bagman ni dating Justice Undersecretary Francisco Baraan.

Sa affidavit ni Sy, napatunayan nito ang matin­ding impluwensya ni S­ebastian at ang koneksyon nito kay De Lima pagkabalik niya­ ng NBP. Dahil dito, napili­tan na siyang sumunod sa mga kagustuhan ni ­Sebastian.

Sinabi pa ni Sy na noong 2014 ay nakita niya mismo si De Lima na pumasok sa kubol ni Sebastian kung saan ang dalawa lamang ang nanatili sa loob at ang mga security ni De Lima ay nasa labas lamang ng kubol. Sa naturang taon din umano nagpatawag ng pulong si Sebastian sa mga lider ng ibang gang at dumalo rito si De Lima.

“Sinabi sa amin ni Jaybee Sebastian na dapat ka­ming magbenta ng droga upang kami ay makaipon ng pondo para sa balak na pagtakbo ni Justice Secretary Leila de Lima bilang senador… nagbigay pa siya Jaybee na buwanang quotas sa iba’t ibang mga gang leaders para sa benta nila sa drug trade…” ayon sa testimonya ni Sy.

Ang kanang kamay umano ni dating BuCor Chief Rafael Ragos na nagngangalang George ang humingi sa kanya ng P1M para umano kay De Lima kapalit ng mga appliances na ipinasok nila sa Bilibid.

“Humingi sa akin si George ng one million pesos. Ang halagang ito ay sinabi ni George na para kay De Lima …. Bago nagkaroon ng actual delivery ako ay hiningan pa ulit ng karagdagang five hundred thousand pesos at ito ay sinabi sa akin na para din kay Justice Secretary de Lima,” ayon pa sa salaysay ni Sy.

13 Responses

  1. Sana maglabas naman ng dokumentadong ebidensiya ang mga konbiktadong kriminal na testigo para malaman kung tutoo nga ang mga sinasabi nila. Sa palagay ko, hindi naman tatangapin ng matinong korte gaya ng Ombudsman o Sandigan bayan ang mga puro kwento lang lalo na pa at puro may mga immuniting ibinigay sa mga testigo. Yung mga sinasabi ni Aguirre na mga 10 to 15 bilyon na tinanggap daw ni Delima, sana mayroong domumentadong basehan na magpapatunay nga na kay Delima napunta ang mga pera ay kailangan patunayan ni Aguirre. Kung mayroon maipapakitang dokumentadong ebidensiya na ganoon nga, kailangan sampahan na siya ng kaso at kung mapatunayang nagkasala, kailangan siyang ikulong.

  2. magaling talagang gumawa ng script si OGAGuirre, yung mga tangang dutertards naniniwala nman, hoy mga bobo gising na nga kayo..aba 100 days na kayong tulog

    1. sino ba ang mahilig sa drama? di ba ang mga myembro ng yellow armies at yellow bleeding heart lalo na nakaharap sa media at microphone at nag.iiba ang aura. Sabi nga weather2x lang yan at ang karma ay totoo talaga. Lol

      1. Bengol. Sinabi ba nyang mamumulubi sya? Mag-isip ka sa labas ng kahon. Wag kang gumaya sa idol mong may sayad na bungangerong palamurang bobito pa. Hehe! Boom!

  3. Plan ni pd30 yan. Bigyan ng intriga tapos taniman ng ibedensya. (Gumawa ng matrix. Tapos magfabricate at magbigay ng marami witness. Simabi nya yan. Maniniwala ako kung warden o para sa bocur chief mga pera na yan. Sila ang bantay dyan.

  4. Lalong lumalalim ang mga kaso laban kay De Lima. Wala nang ginawa itong si malibogg na matrona kundi tanggihan ang mga paratang at puro dakdak na lang sa media.

  5. Wala pa bang matibay na ebedinsia ang mga tonggressman na ito at bakit di na magsampa ng kaso kung may matibay talaga.ilan bang preso ang ang ilalantad nyo?sayang lang ang pera ng gobyerno..