De Lima duda sa MO 32

Leila De Lima
Pinagdudahan ni Senator Leila De Lima ang tunay na layunin ng Memorandum Order No. 32 (MO 32) kung saan palalakasin ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phi­lippine National Police (PNP) sa Samar, Neg­ros Island, Bicol region.
Ayon kay De Lima, mali ang timing ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte para pagtibayin ang kanyang kautusan gayong nalalapit sa panahon ng kampanya ang pagkalat ng tropa sa mga nabanggit na lugar.
“Although the Pre­sident has the power to call out the Armed For­ces of the Philippines (AFP) in case of lawless violence, the timing of the additional troop dep­loyments being so close to the campaign season worries us that there are sinister motivations behind the President’s move,” sabi ni De Lima.
“It might be inten­ded and used for purposes other than its avowed objective. One of them is influencing and controlling the conduct of the election campaign,” dagdag nito.
Paliwanag ni De Lima, ang presensiya ng mga sundalo sa nasabing lugar ang maaaring pumigil sa mga opposition candidate upang hindi makarating sa iba’t ibang lugar para makapangampanya dahil maaari aniyang limita­han ng mga militar ang access ng mga kandidato.