De Lima handa na sa ethics

leila-de-lima

Handa nang sagutin ni Sen. Leila de Lima ang ethics complaint na isinampa laban sa kanya ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso.

Ito’y matapos siyang bigyan ng komite ng labinlimang araw upang sagutin ang reklamo.

Kaalinsunod na rin ito sa konklusyon ng komite na pasado sa form and substance ang reklamong may kinalaman sa pag-utos nito sa dati niyang driver at karelasyon na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara sa Bilibid drug trade.

Ayon kay De Lima, hihintayin niya ang ipapadalang notice sa kanya ng komite at handa na niya itong sagutin.

“I’ll just wait for the notice from the ethics committee ,” sabi ni De Lima.

Kahapon ay ibasura na rin ang unang dalawang ethics complaint na isinampa laban sa senadora.

Napagkasunduan ng komite na ibasura ang unang dalawang complaint laban sa senadora na may kinalaman sa pagkakasangkot nito sa drug trade sa New Bilibid Pri­son (NBP) noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).

Sa paliwanag ni Sen. Vicente ‘Tito’ Sotto, chair ng komite, dahil sa isyu ng jurisdiction, dinismis ang unang dalawang complaint dahil maaari lang ireklamo ang senador sa ethics committee sa mga ginawa niya habang miyembro sila ng Senado.