Muling idiniin ng mga testigo ng Department of Justice (DOJ) si Senador­a Leila de Lima sa ille­gal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan idine­talye ng mga ito sa ikalawang pagdinig ng Kamar­a kahapon kung paano sila nilapitan para magbenta ng droga­ at ang pinagbentahan ay nire-­remit sa kalihim bilang­ tulong sa kanyang kandidatura noong 2016 election.

Unang sumalang sa pagdinig ng Kamara ang inmate na si Noel Martinez, lider ng Genuine ­Ilocano Group sa loob ng maximum security compound. Sa kanyang salaysay, Pebrero 2013 umano nang kausapin siya ng inmate drug lord na si Jaybee Sebastian para magbenta ng shabu upang tulungan ang senatorial bid ni De Lima, kapalit umano ng tulong sa noon ay kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang proteksyon naman sa kanilang grupo.

Inamin ni Martinez na ilang beses nilang nakaharap si De Lima kasama ng iba pang lider ng pang­kat sa loob ng maximum, ngunit ang pag-uusap tungkol sa illegal drugs ay tanging si Sebastian umano ang katransaksyon nito.

Gayundin naman ang nilalaman ng salaysay ng ikalawang iniharap na testigo na si Jaime Pat­cho. Nilapitan umano siy­a ni Sebastian para magbenta ng shabu at ang kita rito­ ay tulong sa kandidatura ni De Lima. ­Aniya, noong una ay tumanggi siya sa alok ng kapwa inmate, ngunit ginigipit umano ito kaya wala siyang nagawa kundi sumunod din.

Aminado si Patcho na lahat silang inmates ay takot kay Sebastian dahil makapangyarihan ito sa loob ng piitan dala na rin ng koneksyon kay De Lima.

PNP CIDG initsapwera sa raid

Aminado si Philippine National Police (PNP) Police Director for Ope­rations Gen. Benjamin Magalong na masama ang kanilang loob matapos maitsapwersa ang PNP-CIDG (Criminal Investigation Detection Group) sa December 2014 raid sa loob ng NBP.

Sa ikalawang araw ng pagdinig ng House Committee on Justice ibinunyag ni Magalong ang insidente kung paano hindi sila nakasama sa aktuwal na raid sa NBP na pinanguna­han ni noon ay Justice Secretary De Lima, gayong kasama umano sila sa nagplano.

Kuwento ni Maga­long na noon ay hepe ng PNP-CIDG, noong Huly­o 2014 ay nakipag-ugnayan siya kay De Lima at inirekomenda na magsagawa raid sa NBP sa ilalim ng Oplan Cronus dahil na rin sa talamak na recycling ng illegal drugs sa piitan. Posi­tibo umano ang dating kalihim sa mungkahi at sa planning stage ay walang gustong maging ground commander kaya naman nagprisinta ito.

Inamin ni Magalong na sa kanilang mga discreet meeting para sana sa gagawing raid ay hindi sana kasama si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Franklin Bucayu, subalit kinailangan din ito para sa coordination. Sa pagpupulong umano ay kapansin-­pansin ang kakaibang pahayag ni Bucayu na pinagsabihan silang huwa­g nang ituloy ang raid.

Kaso matibay na — DOJ

Sa mga naging rebelasyon sa pagdinig ng House Committee on Justice, kumbinsido na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may pro­bable cause para ihain ang kasong kriminal at administratibo laban kay De Lima sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Aguirre sa mga testimonya ng mga inmates ay lumitaw umano ang partisipasyon ni De Lima sa paglaganap ng illegal drugs sa NBP, ginamit ang drug money para sa kandidatura nito at ang lalong nagpatibay umano sa kanilang kaso laban sa senadora ay ang rebelasyon ni Magalong na hinarang ni Bucayu ang raid sa loob ng NBP at nang ituloy ito ay hindi na sinama ang PNP-CIDG.

Maliban kay De Lima ay ilang opisyal din ng BuCor at NBI ang isasama sa kakasuhan ng DOJ.

Dapat nang lumutang sa House probe

Kahit hindi obligado, dapat nang dumalo, ayon­ kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador ­Panelo, sa Congressional­ inquiry sa alegasyong drug sa NBP si De Lima para makompronta ang mga testigo.

Ginawa ni Panelo ang pahayag kahapon kasunod ng testimonya ni Maga­long.

Ayon kay Panelo, mabi­gat ang nilalaman ng testimonya ni Magalong kung saan ay ibinunyag nito ang mga kwestiyo­nableng aksyon ng noon ay Justice Secretary De Lima at da­ting BuCor chief Bucayo sa pamamalakad sa BuCor.

11 Responses

  1. Puro kwento lang ang ginagawa ng mga testigo sa kongresso. Walang decomumrntary evidence na inilabas. Ang masaklap nito, binigyan nila lahat ng immunity kaya hindi sila pwedeng kasuhan ni Delima kung talagang fabricated nga ang mga pinagsasabi ng mga testigo. Malalakas ang loob ng mga testigong gumawa ng kwento dahil hindi sila pwedeng makasuhan.

    1. SINAGOT NA NGA NI deli-maw NA TOTOONG nag usap sila ni Colangco noong nililipat sila sa NBI. Di tugma ang sinasabi ni Colangco DUH>>>
      Kung DOJ ka noon at sino si Colangco para kausapin ka that day ng i-raid nila ang Bilibid, Isang salita lang ni Colangco na paki sabi ay si Colangco ang nagpapasabi ay nagawa agad niyang kausapin ang DOJ.
      Si DELI-MAW mismo ang nag sabi na isang beses niya naka usap si Colangco that day at palusot niya ay humihingi ng tulong daw daw, daw.

    2. Gising kabayan at pati ikaw ay nabubulagan na. Masakit para sa iyo na aminin na siya ang dahilan kaya laganap ang droga sa bansa natin. Gising Kabayan huwag kang tutulog tulog at nag bibingihan sa mga nangyayari. Pati ang Witness ng idol mo na si Matobato ay puro kagaguhan ang pinag sasabi. 200 bullets di pa patay. HANEP only here in the Philippines. May AGIMAT at kasama yata si NARDONG PUTIK.