De Lima isinabit sa BuCor anomaly

Lumutang kahapo­n sa Senado ang dalawan­g testigo upang idawit muli si Senador Leila de Lima sa anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa pagdinig kahapon sa Senado, muling iginiit nina dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos at National Bureau of Investigation (NBI) intelligence agent Jovencio Ablen Jr., na nagdala sila ng P10 milyon sa bahay ni De Lima noong 2012, noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Bago ito, sinalaysay ni Ragos ang ilang raket sa loob ng BuCor tulad ng prostitusyon, gambling at kidnap-for-ransom.

Sabi ni Ablen, kumi­kita umano ang mga opis­yal ng BuCor ng P300,000 hanggang P500,000 kada linggo mula sa mga iligal sa loob ng New Bilibid Prison.

Sinabi din nina Ablen at Ragos na dalawang beses silang nag-deliver ng tig-P5 milyon sa bahay ni De Lima sa South Bay sa Parañaque City noong 2012. (Dindo Matining)