De Lima kay Duterte: Linisin muna ang bakuran mo!

leila-de-lima

Bago sisihin ang media, sinabihan ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na linisin muna ang kanyang bakuran.

Ayon kay De Lima, walang sala ang media bagkus ang ugali ni Pa­ngulong Duterte ang dapat punahin, gayundin ang mga taong nakapali­gid sa kanya.

“We are even seeing now infightings among his privileged men and women, if left unchecked, can only harm the public good,” ayon sa senadora­ na maaaring tinutukoy ang away ng mga kaal­yado ng Pangulo na sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Rep. Antonio Floirendo.

Aniya, bago sana punahin ni Duterte ang ibang tao, dapat ay manalamin muna ito kung wala bang pagkukulang o pagkakamali sa kanyang mga ginagawa.

“He blames everybody else except himself. His gross intolerance to dissent and criticisms is undoubtedly among the top qualities of this President,” diin ni De Lima.

“Go fix first yourself and your own backyard Mr. President, before picking a fight with everybody else,” giit pa ni De Lima sa handwritten statement na ipinadala­ sa Senate media.

Nitong Huwebes ay binanatan ni Duterte ang media partikular na ang Inquirer at ABS-CBN dahil sa “slant” sa kanilang pagbabalita.

Kasalukuyang naka­kulong ngayon sa Custodial Center ng Philippine National Police si De Lima matapos kasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa Muntinlupa ­Regional Trial Court sa paglabag umano sa Dangerous Drugs Act.