De Lima kay Pacquiao: Thank You!

Leila De Lima

Labis ang pasasalamat ni Sen. Leila de Lima kay Sen. Manny Pacquiao matapos nitong ipagdiinan sa hearing ng Senado nitong Huwebes na hindi sukatan ang mga nakasama sa litrato ni presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo ­‘Pulong’ Duterte para maikahon ito sa ‘Davao Group’ na sangkot sa smuggling operation sa bansa.

Tinutukoy ni De Lima ang naging komento ni Pacquiao sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes na hindi porke’t kasama ni Paolo sa litrato sina Charlie Tan, Kenneth Dong at Davao Councilor Nilo ‘Small’ Abellera Jr., ay sangkot na ang anak ng Pangulo sa Davao Group at sa smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

May pinaghuhugutan ang komento ni De Lima dahil noong inimbestigahan din ng Senado ang koneksyon umano niya sa drug lords, pinagpiyestahan ng ilang senador ang litrato na magkasama sina De Lima at drug lord na si Kerwin Espinosa sa Baguio City.

“Senator Pacquiao, thank you for pointing out that testimonies based on “Sabi nila sa akin” should be given no credit and stricken out,” ani De Lima sa isang statement.