Mistulang nakahanap­ ng kakampi si Senadora­ Leila de Lima sa isang mahistrado ng Korte ­Suprema hinggil sa ban­ta­ ng mga kaalyado­ ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na ipakita ang sex video­ umano ng nasabing mam­babatas.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen na dapat alalahanin ng mga mambabatas ang karapatan ng mga kababaihan kaugnay ng kalapastanga­nan sa mga kababaihan.

“Constitution, art. III, sec. 1 No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law,” nakasaad sa Twitter post ng mahistrado.

Pinaalalahanan ni Leo­nen sa mga mambabatas na ang pagpapakita sa publiko ng nasabing sex scandal video ay labag sa ilalim ng Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 na may hashtag pang “everywomen”, “everyman”, at “everyone”.

Sa isa pa nitong tweet ay tinukoy rin ang Article 3, Section 1 na tila angkop sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan ay kabi-kabila ang nangyayaring patayan.

“Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon,­ kailan pa?” sabi pa ni Leonen­.

20 Responses

    1. naks..ang problema dun sa mtrix na pinakita ni digong..lahat ng arrow palabas kay de lima walang naka turo kay D5 ha ha ha..kaya papano na yan

    1. Sasali sali ka rito, tuloy nabisto kang tambay ka lang, walang utak. Ang tawag sa mga members ng sc ay justice, tulad ng justice carpio, justice leonen. Hahahahaha tulad ka rinng poon nyong nazeraan talking without thinking

      1. Nyahahahaha…..
        Bakit,contest ba ito?
        May quota/fee bago sumali?
        Bawal? Ikaw may-ari?

        Ikaw ang walang utak, basahin mo ang article then basahin mo comment mo, tigas ng mukha mong mag-comment without even reading the article itself?
        Akala mo kung sino kang nakaka-unawa ng justice system, pwe!
        Nyahahahaha…..

      2. Haaay naku, napakaogag mo talaga. Sagutin mo ang komento ko. Iniinsist mo talaga na me utak ka pero wala pa rin. Komento lihis sa isyu natin, paano utak mo lihis tulad ng poon nyong nazeraan. Ano ba ang title? Sc justice so isa lang bskit sabi mo lahat. Sige sagutin mo kung me utak ka talaga

      3. Matuto kang umunawa ng sinabi!
        Makikipagtalo ka pa, naunawaan mo ba ang comment ko?
        Ano eksaktong comment ko kung talagang marunong kang magbasa?
        Taena, para kang media ha, lihis ang nilalabas na balita kesa sa tunay na sinabi!
        Nyahahahaha….

      4. Pag talo na sa diskusyon, dinadaan na lang sa mura. Me abuloy akong piso dahil aatakihin ka na hayblad mo. Pero bago ka matigoksagutin muna sinasabi ko o baka di mo pa gets. Paano hanggang grade 4 ka lang, pasang awa pa

      5. Hahahaha…..
        Laban pala ito? Akala ko ideas sharing lang
        Nyahahahaha….
        Kako sabihin mo sa akin kung ano eksaktong comment ko for you to say in an affirmative state na sinabi ko ngang lahat?
        Do you know the definition of “connotation” and the use of “parang?”
        Meaning, may pasubali and not, I repeat, NOT an affirmative state!
        Gets mo na?
        Hiyang-hiya naman ako sa iyo teng!
        Maka-grade 4 ka wagas! Pero di ka marunong umunawa ng sentence.
        Sentence lang huh?
        Nyahahaha…..

    2. Isa lang naman talaga.Wala ngang “S” yung Justice di ba? Ikaw lang ang nagiisip na maaaring more than one o lahat ng mga SC justices ang kumampi.

      1. Well, as I’ve commented, it connotes otherwise.
        True enough, isa lang ang ating Supreme Court Justice, na binubuo ng MGA JUSTICES.
        Basahin mo yung title ng artikulo, sana ma-gets mo.
        Yun e, kung alam mo kung papaano umunawa, huh?

      2. Dami pa sa paeng eng. aminin mo na lang na mali ka. bakit mo isasama ang Justice sa SC. ano ba ang tawag mo sa Supreme court natin? Supreme court justice? lol kawawa ka naman. sa kagustuhan mo hindi mapahiya pilit mo binabaluktot. Korte suprema lang wag mo na dagdagan ng hustisya. ang sagwa utoy. yan ay kung gets mo paano umunawa. lol

      3. Nyahahahaha…..
        Kung hindi ka marunong magbasa, sorry na lang sa akin talaga.
        At kung hindi ka mas lower pa sa bobo, bakit sa akin mo ibinibintang yung paglalagay ng salitang “justice” sa SC, ay yung may akda ng artikulo may sulat nun?
        Asan ang utak mo?
        Pambihira! Sa akin ibintang?
        Kung di ba naman?
        Nyahahahaha…..

      4. O e di bobo ka pala. ayaw mo mabintang sa iyo peor yun ang pinapalabas mong dahilan. kundi ka ba naman bobo. lol ngayon tinatanggap mo na ang paliwanag pero kanina ang sabi mo iba na connotation. wahaha

      5. Ha?
        Nasayang lang ang oras ko sa pagsagot sa iyo!
        Sinong tangang gaya mo ang tatangap na pagbintangan ka ng hindi mo naman ginawa?
        Ang layo ng mga banat mo! Buri ni ina!
        Maghanap ka na lang ng ibang papatol sa iyo, sus!
        Move on ka na lang, ilang araw na itong issue na ito pero wala kang malinaw na banay kundi ang “bobo” which you simply define yourself.
        Kudos!

  1. malamang MINION din si madam kasi naghihikayat ng mga kababayan natin para bumaliktad… malamang mga batas na nakatakip ang isang mata sa halip dalawang mata… sana maging patas, pag dating sa batas at di nakikisali sa political… alalahanin nyo hindi lang kayo ang sangay ng gobyerno na check and balance.