Sa botong 16-4-2, tinanggal na ng Senado si Sen. Leila de Lima bilang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights ilang araw matapos nitong iprisinta ang testigong nagdawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings sa Davao City.

Nauna rito, nagpasok ng mosyon si Sen. Manny Pacquiao na ideklarang bakante ang buong komite ng justice and human rights.

“Mr. President, I move that the chairmanship and members of the committee on justice be declared vacant,” ani Pacquiao.

Itinulak ni Pacquiao ang mosyon na maging bakante ang chairmanship at membership ng komite matapos ang privilege speech ni Sen. Alan Peter Cayetano kung saan pinaratangan nito si De Lima na ginagamit ang komite para umano siraan si Pa­ngulong Duterte.

Bago pa makapagdesisyon, itinulak naman ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III ang suspensyon ng sesyon upang mapag-usapan sa caucus ang mosyon ni Pacquiao.

Makalipas ang halos isang oras ay bumalik na sa session hall ang mga senador at pinagbotohan ang mosyon ni Pacquiao at ang pagluklok ng bagong chairman at mga miyembro ng justice committee.

Sa isinagawang botohan, 16 senador ang pumabor sa mosyon ni Pacquiao habang 4 na senador ang kumontra at 2 naman ang nag-abstain.

Kabilang sa 16 na bumoto ng ‘Yes’ sa pagsibak kay De Lima sina: Sens. Aquilino Pimentel, Caye­tano, Sonny Angara, Nancy Binay, Vicente Sotto, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gringo Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Pacquiao, Grace Poe, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.

Kabilang naman sa apat na senador na bumoto ng ‘No’ sina Sens. Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros. Ang 2 nag-abstain ay sina Sen. Ralph Recto at Antonio Trillanes IV habang hindi naman nagpartisipa si Sen. Francis Escudero at ang nag-walkout na si De Lima.

Agad namang itinalaga ng Senado si Sen. Gordon bilang chairman ng komite, vice-chairman si Sen. Lacson at mga miyembro sina De Lima, Pacquiao, Poe, Pangilinan, Zubiri, Angara at Cayetano.

18 Responses

  1. Aba birhing De lima, Napupuno ka ng Grasya
    Lahat ng Payola ay sumasaiyo
    Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
    At pinagpala rin ang iyong driver na si Dayan.

    Santa De lima, Ina ng Druglord
    Ipagtanggol mo silang lahat
    Ngayon at kung sila’y mamatay.
    Amen

    1. parang student sa high school…kabisado sasabihin,,malamang ininsayo niya yang sinabi niya (pacman) kasama sa pagtuturo mga anak niya,,,,well well asong aso ka pacman,,,

  2. De lima kung problema mo ang mga patayan simple lang ang solusyon sabihan mo ang mga kakilala mong Drug lords, pusher, at adik na tumigil na sila. pero pati nadin ikaw eh tumigil na.

  3. Yeheeeey! If only cj corona cud hear her words for accusing pdu30 of using his machinery just to oust her from the chairmanship, surely he’ll say that “D5 it is now ur tym. U’ll be dead too! Bad karma is in front of u!” Hahaha!