DE LIMA MAHIHIRAPAN KAY DIGONG

Isang araw matapos siyang akusahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga, emosyonal namang humarap sa publiko kahapon si Sen. Leila de Lima at nakiusap sa chief executive na lumaban ng patas ayon sa batas.

Ayon kay De Lima, nahihirapan siyang laba­nan ang Pangulo ng bansa lalo pa’t nagkukubli ito sa kayang “immunity” sa kaso at may sangka­terbang amuyong na handang kumuyog sa kanya.

Words cannot express what I am fee­ling right now. I guess no one can, because no one has ever been attacked in such a manner by no less than the highest official of the land, until now. How does one defend oneself, when the attacker is immune from suit, and has all the backing of executive power to support him in his personal attack?” punto ng senador.

“This is no less than abuse and misuse of e­xecutive power. I don’t think the Constitution has ever contemplated such abuse of power on such scale, as it assumes every President to conduct himself in a manner befitting the office he holds,” diin ng senador na dating kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Aniya, matagal na niyang alam na nag-iimbento ng ebidensiya ang gobyerno para siya’y makasuhan at siraan para tumigil sa pagbatikos at pagpuna sa pamamalakad ng Pangulo, partikular sa serye ng patayan kasabay ng kampanya ng gobyerno sa iligal na droga.

Hindi umano niya inakala na si Pangulong Duterte pa ang magpapasimuno ng “propaganda at social media operations” laban sa kanya.

“Pangulo po kayo. Senador lamang po ako. Patas na laban lamang po ang aking hinihingi. Sana ay ibigay ninyo sa akin ang ibinigay na rin naman ng batas at Konstitusyon sa kahit na kaninong na-aakusahan sa ilalim na ating sistemang pang-legal,”giit ni De Lima.

Inamin ni De Lima na nasaktan siya sa mga personal na banat sa kanya ng Pangulo. Pakiusap ng senador, huwag nang idamay ang mga ito dahil sa wala naman silang kasalanan sa Pangulo.

Sa banat ng Pangulo nitong Miyerkules, sinabi nitong ang driver ni de Lima ang nagsisilbing lover din nito at taga-kolekta ng pera umano sa isang drug lord sa Muntinlupa.

“Tama na po ang pananakot at panghihiya. Bumalik na po tayo sa kaayusan na dulot ng pag-iiral ng batas at simpleng respeto sa kapwa tao. I have always been loyal to my oath as a public servant. I am not the enemy here. Stop portraying me as one,” hirit ni De Lima sa Pangulo.