De Lima may bagong boylet — Digong

May panibagong pasabog si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa mainit na buhay pag-ibig umano ni Senator Leila De Lima.

Kahapon, pinangala­nan ng Pangulong Duterte kung sino ang bagong boyfriend umano ng senadora.

“Ngayon may bago­ s’ya the first name is Warren. Ang trababaho ni Warren meron nagmo-motor ‘yung hagad na escort niya MMDA. Sino maysabi sa akin isa sa nag-report noon pa kaya… pero­ tapos na ‘yung nalaman ko ‘yung ganu’n si (Francis) Tolentino ang MMDA chairman kasi may sulat si De Lima sa kanya binigay ni Tolentino,” pagsisiwalat ni Pangulong Digong sa press conference matapos lumutang kahapon ng hapon sa burol ni P/Insp. Mark Gil Garcia­ na ­nasawi sa operasyon laban sa illegal drugs, sa Camp Geronimo sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Muling binanggit ni Pangulong Duterte na nagngingitngit sa kanya ang senadora dahil nabuko umano nito ang huli.

“Si De Lima galit kasi nahuli ko siya lumabas na lahat o pati ‘yung kalokohan niya sa kama lahat na… hindi photoshop ‘yan… sinadya talaga ng lalake ‘yan at pumayag ‘yan. Nakita mo ‘yung angle, e kung mag-plant ka ng camera kita mo ‘yung mga angle na ano sinadya ‘yan pinaasa siya ng… pagtulog mo i-on mo tapos kunan mo ng picture wala naman siyang tinanggal dun because na-in love,” sabi pa ng Pangulo.

Nilinaw naman nito­ na si ‘Warren’ ay wala namang kinalaman sa droga.

“What is really very…how will I term what is really sad for this country here is a woman posturing herself to be a crusader for good government but because hindi niya mapigi­lan ang immorality niya sa bagay to the credit of De Lima she’s legally annulled kagaya ko rin sa asawa ko annulled. Sa bagay dalaga siya… but her sex excapades led her to commit several serious violations of law,” anang Pangulo.