Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taon na pagkakabilanggo ay nakasama ni Senador Leila de Lima ang kanyang ina sa Araw ng Pasko.
“I had an incredible moment yesterday. I got my best Christmas gift,” sabi ni De Lima sa kanyang mensahe mula sa Camp Crame.
Nabatid na ang 86-anyos na ina ng senador ay walang alam sa kanyang situwasyon hanggang sa mabisita na siya nito.
“A most surprising and unexpected visit. She came, unannounced, at around 9:00 a.m., or right before our regular 10:00 a.m. Sunday Mass, accompanied by my brother Nonoy and our aunt, Mama Lils. Having missed each other for almost 2 years, we cried while hugging each other,” ani De Lima.
Ang alam aniya ng kanyang ina ay nasa ibang bansa lamang siya para sa isang official business bago sila nagdesisyon na ipaalam na ang katotohanan.
“They finally told her I’m in Camp Crame. But her state of dementia failed to grasp the real import of such a revelation. It blocked her from reality, with all its pains. A stroke of Divine Providence,” diin ni De Lima.
Kahit aniya nasa loob na sila ng bilangguan ay patuloy naman ang pagtatanong ng kanyang ina kung nasaan sila.
“She had no idea that this is a detention facility. My brother and I then realized the futility of full disclosure,” kuwento pa ng senador. (Dang Samson-Garcia)