De Lima nagpatutsada kay Poe

leila-de-lima

Pinatutsadahan ni Sen. Leila de Lima ang aniya’y ‘high-ranking public figure’ na pumapatol sa mga paratang ng administrasyong Duterte na siya ang nasa likod ng pamamayagpag ng droga sa bansa sa panahon ng paninilbihan niya bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay De Lima, nakakabahala ang pagpatol ng public official sa akusasyon sa kanya dahil hindi ito ang paraan sa pagresolba ng problema ng illegal drugs sa bansa.

“It will not be solved by forming a lynch mob to gang up on a scapegoat. It will not be solved by denying facts, including about the source of the drugs that flow into our country and complicity of law enforcers­ on the ground — the very same law enforcers­ who are now given a license to kill and plant evidence on those killed,” diin ng senadora.

“You can call me the High Priestess of all that is evil and corrupt all you want, but repeating it will not make it true, or succeed in ferreting out the true problems and real,­ lasting solutions to solving them. It will not change the fact that people are dying either,” ­patutsada pa ni De Lima.

Hindi binanggit ni De Lima kung sino ang public official na kanyang pinatatamaan pero nitong­ nagdaang araw ay nasalang sa interview ng ANC si Sen. Grace Poe kung saan iginiit nito kay De Lima na magpaliwa­nag kung bakit lumala ang problema ng iligal na droga sa panahon ng kanyang panunungkulan sa DOJ.

“I think it’s just right that she accounts for this and answers the allegations against her,” hirit ni Poe sa morning show na Headstart nitong Martes.