“Masyado kang yakyak nang yakyak, pagka ganu’n ang tao nawawala na sa katwiran.
Kung mag-hysterical ka lalo kang hindi maintindihan ng tao.”
Ito ang naging reaksiyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bago umalis patungong Vietnam matapos ang maemosyunal na press conference na idinaos ni Senator Leila de Lima sa Senado.
Kasabay nito, itinanggi ni Aguirre ang alegasyon ng senadora na magka-partner sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panggigipit sa kanya.
“Mula nang maupo akong Secretary of Justice hindi man lamang namin napag-usapan ni Pangulong Duterte ang kaso niya. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko dahil naniniwala ako na matibay ang ebidensya sa kanya,” ayon kay Aguirre.
Mas makabubuti umano kung sagutin na lamang ni De Lima ang mga akusasyon sa kanya.
Dapat din umanong patunayan na tinorture ang mga ipinrisinta nilang testigo.
“Nang iprinisinta namin ‘yung testigo kalmadong-kalmado, me tinorture bang ganu’n, nagbibiruan pa nga sila,” wika ni Aguirre.
Pinuna pa ni Aguirre ang reaksiyon ni De Lima kaugnay sa naganap na riot sa Bilibid.
“Wala pang apat na oras na nangyayari may conclusion ka na agad. Hintayin mo muna ‘yung report parang hindi ka abogada, inunahan mo na agad,” dagdag ni Aguirre.
ganyan talaga pag guilty ,maski tanungin mo sa mga psychologist , yung partido nyang LP dumistansya na nga sa kanya ,meaning iniwan na sya
Mukhang binabaligtad ni Aguirre ang sitwasyon. Si Aguirre ang yakyak ng yakyak na daig pa ang babaeng tsismosa. Tama naman si Delima sa paghamon sa kanya na kung may ebidensiya siya talaga na mayroong 500 milyon to 1 bilyon na deposito sa bangko na sinasabi niyang mga lilink Kay Delima, bakit nga naman hindi niya ito ipa freeze para hindi magalaw at makumpiska ng gobyerno? Nagka riot daw sa bilibid dahil may nag shashabu. Sino na ang may hawak ng bilibid? Hindi ba si Aguirre? Bakit may mga kontrabando pa rin naipapasok sa bilibid? Ibig sabihin hindi ginagawa ni Aguirre ang trabaho niya. Huwag maging obsessed kay Delima para magawa mo ang trabaho mo. Napasakan na ba ng mga tauhan ni Aguirre yung sinasabi niyang tunnel na ginagamit ng mga inmate sa kanilang paglilipat ng illegal na droga? O halusinasyon lang ni Aguirre yung tunnel na sinasabi niya.
Hintayin mo YAKYAK ka ng YAKYAK agad rin dito. Naka Droga ka yata.
mag sasampa sila ng kaso kapag buo na at solid. Hindi katulad ng ginawa nina Delimaw kayla Gloria at Abalos na ngayon ay pinawalang bisa.
Maraming naka baon at di lahat makikita ang drugs, YAKYAK ka ng YAKYAK agad at di mo muna silipin ang pangyayari.
Huwag kang mga drug muna. he he peace men.
DI mo ba inisip na baka baka si Delima pa ang dahilan kaya nag tirahan sila. Dahil siya ang nag bulgar na asset si Sebastian at siya ang nag sumbong.
Siyempre kung isa ka sa head ng gangs magagalit ka at reresbak ka,
Hintayin mo muna ang official report. Huwag kang YAKYAK agad katulad ni DELIMA.
Agree. Especially sa pag freeze ng assets, dapat mabilis sila… kung totoo nga.
Bakit kase ayaw sumipot ni Delima sa imbestigasyon sa Kongreso? Samantalang si PNP Chief Gen. Dela Rosa inubliga nya humarap sa Senado ukol sa imbestagasyon sa EJK Nang si Delima na ang kailngan humarap sa Kongreso ayaw nya sumipot…ang isang tao kapag walang ginagawang masama kahit saan ipatawag na imbetigasyon ay handang sumipot o dumalo sa ano mang pagdinig..!Bakit hindi sya sumipot? abogada sya kaya nyang ipagtanggol sarili nya..Ang tanong bakit ayaw nya humarap sa Kongerso???
noon sabi siya ng sabi kay binay na harapin niya yung kaso,ngayon siya iwas naman ng iwas hay buhay nga naman.