Bagama’t welcome kay Senador Leila de Lima ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay kinuwestiyon nito kung bakit sa Department of Justice (DOJ) ito isinampa.

Ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang nagsampa ng kaso sa DOJ laban sa senadora kaugnay sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Ayon kay De Lima, mas gugustuhin niyang kasuhan siya kaysa idaan ang mga akusasyon laban sa kanya sa pagdinig ng Kamara ngunit ang kinuwestiyon lamang niya ay kung bakit sa DOJ pa ito isinampa ga­yong ang tamang venue para dito ay ang Ombudsman.

Paliwanag ng senadora, “since I’m a sitting se­nator and given my salary grade ay dapat sa Ombudsman po ito at hindi sa DOJ.”

3 Responses

  1. Pilit kong kinukuha ang kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ni D5 para sabihin na wala siyang kinalaman sa droga… or siya ay inosente sa lahat ng bintang… na sa kabila ng lahat ng ibedensya na nagtuturo sa kanya at pinaninindigan niya ang sinasabi niya… una kong naisip, as a lawyer alam niya na everything must be proven beyond reasonable doubt… at since there are no physical evidence na makapagtuturo sa kanya dahil magaling nman siya diyan sa pag iwas sa asunto kaya lamakas ang loob niya.. pangalawa, dahil patuloy na may sumusuporta sa kanya kagaya ng mga pari at madre na bagamat alam kong lahat ay welcome sa tahanan ng Diyos ay hindi sila dapat makialam sa isyu ng estado dahil sa separation na isisigaw nila in case na sila ay pakialaman… at ang huli, maaari nga naman na wala siyang alam na droga pala ang pinagpipiyestahan ng mga inmates at mga contact nila sa labas kasi ang alam lang niya ay tumanggap ng pera… hindi niya alam kung saan lahat nanggagaling ang perang iniaabot sa kanya.. ibinibigay nga naman eh di tanggapin at masama naman tumanggi sa grasya… hindi rin niya alam na lahat pala ng kasamaan ay nangyayari dahil sa kapabayaan niya. Ngayon kakasuhan niya ang Pangulo as a test case… para umani pa lalo siya ng media mileage na kaya nman ibigay ng mga kaalyado nilang channel… Opinyin ko lang nman po yan…