Sino ba talaga ang ‘enemy of the state’ matapos ang madugong pambobomba sa Davao City noong Setyembre 2? Ito ang tanong ni Sen. Leila de Lima matapos igapos ang political opposition sa mga pinaghihinalaang may kagagawan sa Davao bombing.

Ayon kay De Lima, dapat alamin muna ng pamahalaan kung sino talaga ang may kagagawan sa Davao bombing upang makabuo ng plano para labanan ito.

“The government must therefore be clear on who the enemies of the State are, and calibrate its response in accordance with the threat to national security that they represent,” giit ni De Lima.

“It does not therefore help using this incident to lump together all groups that are perceived by the government as threats to national security as being responsible for the bom­bing,” diin pa ng senadora.

Nauna rito ay inakusahan ni Peter Lavina, da­ting campaign spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang political opposition bilang isa sa posibleng kasabwat sa pambobomba sa Davao City.

Sa ipinost ni Lavina sa kanyang Facebook account, sinabi nitong “There is a fourth group. One that is a collusion of these three suspects. An alliance of all anti-Duterte forces.

Drug lords providing the funds, Abu Sayyaf providing the muscle, and the political opposition providing the brains and hecklers”.

Ayon kay De Lima, umaasa siya na ang kontrobersyal na pahayag ng ilang prominenteng opisyal ng Malacañang ay hindi opisyal na posisyon ni Pangulong Duterte.

14 Responses

  1. Hindi na dapat patulan mga sira ulo tulad ni lavina. Hindi kaya ng mga kontra dutiti pumatay ng mga inosente. Yung pang mga kakampi ni dutiti ang kayang pumatay ng inosente, EJK

  2. Be strong Senador !!! Talagang hindi ka hihiwalayan ng intriga kasi pinag iinitan ka nila. Alam mo ang totoo sa sarili mo di ka pababayaan ni Lord. Wala ka namang hinangad kundi ang kapakanan ng bayan. Hanggang ngayon wala pa silang napapakitang katibayan na sangkot ka nga sa drug syndicate kasi kung mayroon sana matagal ka na nilang kinaladkad sa Court.

    1. kailan pa ba si de5 hiniwalayan ng intriga? nakikipagsex na lang sa kalaguyo ipapa video pa, mahilig makipag picture taking sa mga druglord, gawain ba yan ng matinong baboy? este tao in your honor? paano mapapatunayan ayaw niya nman humarap sa kongreso dahil sa sinabi niya na magpapabaril siya sa harap ni duterte kung mapatunayan, nagtatanggol ka lang ng baboy in your honor este tao isipin mo na tao ka rin.

      1. ilabas lang ang ebidensya para makulong yan kung talagang may kasalanan, kaya lang wala eh….. panay satsat at paninira lang…. saan nga pala pwede mapanuod yung sex video na yan para naman mapanood ko rin…. ako marami ring naka sex pero i dont call this men kalaguyo, kasarap yata makipag sex noh!

      2. cguro kung ikaw aaminin , si de5 pagmay ebidensiya fabricated halos magpakamatay sa ka dedeny. Magpapabaril pa nga daw siya kay duterte kung mapatunayan, ayaw nman humarap sa kongreso,kaya ayaw nyang humarap sa kongreso dahil ayaw niyang magpabaril.hindi nman ganun kasama si duterte para sundin ang sinabi niya oras na mapatunayan maliban na lang kung talagang makipagbarilan siya talagang hindi siya sasantuhin.Sabi mo marami ka na rin naka sex, ano ba ang pagkakaiba ng ginagawa ni de5 at sa ginagawa mo?

      3. me ebedinsiya pala bakit di dalhin sa korte para makasuhan na kasama nung limang generals na binanggit ng pangulo saan natin sisimulan ang pagbabago sa maling paraan ba ang tamang paraan sa korte

      4. in your honor, katulad ng bukambibig niyo na due process yon na yon, imbestigasyon muna, du nman ganun kasama ang presidente sa inaakusa niyo, sa panahon ni aquino si corona na komokontra sa kanya ginawan ng paraan para mapatalsik gamit ang DAP, tatlobg senador talagang ipnakulong niya , unamin ba ng nga senador na mga senador? hindi pero nagawan ng paraan na ipaaresto at makulong,nagawa na ba yan ni duterte? hindi dahil iginagalang niya ang bawat karapatan ng tao.Kaya ganun ang pakikitungo niyo dahil si Mar Roxas ang gusto niyo maging presidente. Kung si Roxas, ang mga pulis takot sa kriminal, ngayon ang mga krimunal ang takot sa pulisyan ay pagbabago, kung bulag ka di mo pandin ang pagbabago dahil nakayakap ka sa ideolohiya ng kasakiman at makasarili. Higit sa lahat , wala nman pakialam sayo si duterte kung ayaw mo sa kanya.mamamatay tao ka man, magnanakaw, pusher durugista, rapist, walabg pakialam sayo wag ka lang matitiyempuhan at makipagbarilan sa mga pulus mananatili kang buhay.kung ayaw mo ng pagbabago, ipakita mo sa sarili mo na walang pakialam sayo ang gobyerno.

      5. yan naman lagi tayo eh pag kinontra si p duterte dilawan na fyi ang binoto ko ay si bongbong at miriam ang layo ng argumento mo ang pinag uusapan natin eh yung ginawa nya ke delima at sa 5 generals kahit kanino nya gawin yun ganun pa rin ang pananaw ko malaki ang paniniwala ko sa gobyernong duterte sa loob lang ng maikling panahon napababa nya ang kriminalidad at talagang nagpulasan ang ibang malalaking sindikato sa droga ang tinutukoy ko lang di ba me ebidensiya ang pangulo bakit di kasuhan ng matapos na tamang proseso para sa pababago yun lang ang sa tingin kong tama