Ang magpakita ng respeto ang dapat na igiit at hingin ng pamahalaan ng Pilipinas sa counterparts nito sa China.
Ayon ito kay Senador Leila de Lima kaalinsuod sa panibago na namang pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa isang mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa senadora, nakakabahala na ang ganitong patuloy na ginagawa ng China at hindi dapat na hayaan at balewalain na lamang ng pamahalaan.
Sa halip, giit ng senadora, dapat kondenahin at gumawa ng aksiyon ang pamahalaan ng Pilipinas dahil masyadong nang garapalan ang ginagawa ng China.
“This incident mirrors China’s newfound daring and boldness to discard of the conventional coast guard actions in enforcing its territorial claims. Such escalates the situation in the Spratlys, and should be strongly condemned by the Philippine government,” ayon kay De Lima sa kanyang handwritten note kasabay pa ng pagsasabing: “At the very least, our leaders must demand respect from their Chinese counterparts.”
May pangamba ang senadora na ang kawalan umano ng aksiyon na ito ng pamahalaan sa kabila ng harap-harapang banta ng China ay maaring mauwi pa sa puntong mawalan na ang Pilipinas ng karapatan sa inaangkin nitong maritime territories.
Ka cocahba niya sa druga itong mga chinese.