De Lima sa international community: Kondenahin ang drug war

Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang international community na ipagpatuloy lamang ang pagkondena sa tinawag nitong murderous war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa kanyang mensahe na binasa sa 61st Session ng Commission on Narcotic Drug sa Vienna, iginiit ni De Lima na bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makita na ang problema sa droga ay isang public health issue na nangangailangan ng kakaibang solusyon.

“How many more lives are going to be cut short? How many more Filipino families are going to suffer? How far will my country regress in the name of Duterte’s war on drugs? Until when do we reach the tipping point and say, as a collective people, enough is enough?” saad ni De Lima.

Sa tala aniya, nasa 13,000 na ang sinasabing kaso ng extra judicial killings dahil sa kampanya kontra ­droga. (Dang ­Samson-Garcia)