Seryosong ikinokonsidera ngayon ng Senate Committe on Justice and Human Rights ang pagpapataw ng kaukulang kaparusahan laban kina Sens. Leila de Lima at Antonio Trillanes IV partikular ang posibleng pagsasalang sa kanila sa ethics committee.

Kaalinsunod ito sa nangyaring tensiyon kamakalawa ng gabi habang ginaganap ang pagdinig ng komite sa extrajudicial kil­lings na nauwi sa walkout ni De Lima.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng komite, ang walkout ng senadora ay isang unparliamentry act na hindi dapat palampasin na lamang.

“You invited all these people, make them wait for 13 hours or more pagkatapos mag-walkout lang. I won’t let this pass. Pinaghirapan namin ‘yan, ang re­putasyon ng Senado ang nasakripisyo dito,” ­ayon kay Gordon.

Sa kaso ni Senador Trillanes, sinabi ni Gordon na marami itong mga sinabi sa komite na maituturing na unparliamentary remarks.

Hindi rin umano maganda ang ginawang pagpapaalis ni Trillanes kay Matobato nang walang paalam sa komite habang patuloy pang idinaraos ang pagdinig.

“We are very sad because of the actuation of the two senators,” ayon pa kay Gordon.

8 Responses

    1. Hoy uring bakit kasabwat ka rin ba ni matobato? Siguro magkasabwat kayong Tatlo. Matagal ng may patayan sa pinas kahit saan bakit ngayon lang kayo lumabas ?pano kc Isa ka rin sa bumuto sa mga ungas eh .lakas din pala ng tama nyo hahaha. Pano yan wla ng maniwla sa inyo . Ipapa lista Kita madam uring kc parang naka ilang kilo kayo ng shabu eh.

  1. Intrguing ang picture na ito ng Abante. Parang tinatanomg ni Trillanes, “sweetheart ano next move natin?” Sagot ni De Lima, “Ewan ko, takot na ako halata na nila tayo’. hu hu hu hu,

  2. Kung sa bagay pansarili lang ang kagustuhan ng dalawa na yan, Dapat lang na maparusahan ang dalawa sa laki ng abalang ginawa at ginamit lang ang senado… impeach na yan!

  3. Mga bubo kc ang nag buto sa knila, the black sheep of the Senate ,ang dami pa sanang batas ang dapat pag debatihan sa senado ,gaya ng traffic kung pano masolusyunan , wala talagang kwenta ang dalawang yan.