Sa gitna ng naglabasang pahayag ng mga testigo sa Kamara na nagsasabing may relasyon si Sen. Leila de Lima sa kanyang dating driver na si Ronnie Dayan, inamin na kahapon ng senadora na masyado siyang malapit sa dati niyang driver.
“I was very close to him, but I wouldn’t want to be publicly speaking about it. It’s too personal for me,” paglalahad ni De Lima sa programang Headstart sa ANC.
Ginawa ng senadora ang pag-amin ilang oras bago kumanta sa pagdinig ng House committee on justice ang dati niyang security officer na si Joenel Sanchez na nagsabi pang napanood niya ang sex video ni De Lima kay Dayan sa cellphone mismo ng huli.
Muli namang itinanggi ni De Lima na siya ang babaeng nasa sex video.
Sinabi pa ni De Lima na matagal nang lumulutang ang nasabing sex video noong isinalang sa Commission on Appointment (CA) ang kanyang appointment bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) ng nagdaang administrasyon.
“It is a violation, a gross violation of my rights and my dignity as a woman, this slut-shaming technique that they’re doing in an effort to crush me, to crush and break my spirit because what could be too personal or what can be too personal for a woman than her womanhood being attacked,” ayon sa senador.
“It’s a virtual rape actually,” diin pa ng senadora.
Samantala, nang humarap kahapon sa pagdinig ng Kamara si Sanchez ay idiniin nito ang relasyon nina De Lima gayundin ang dalawang sex video ng senadora na napanood niya mismo sa cellphone ni Dayan.
“Nakumpirma ko na may relasyon ang dalawa dahil si Ronnie Dayan ay sa bahay ni SOJ natutulog, maging sa out of town, silang dalawa ay natutulog sa isang kuwarto,” bahagi ng salaysay ni Sanchez.
“Lagi rin kaming umuuwi sa bahay ni SOJ sa Bicol at kapansin-pansin ang sweetness nila at habang kami ay bumibiyahe, sila po ay nagsusubuan ng nilagang saging na saba. Sa bahay ni Dayan sa Pangasinan ay nagpupunta kami kasama ni SOJ. Tuwing birthday ni Dayan, last week ng December, ay pumupunta si SOJ at doon na nagpapaabot ng New Year,” ayon pa kay Sanchez.
Madalas din umanong bilhan ni De Lima si Dayan ng paborito nitong Fundador at Marlboro at maging mga personal na gamit ni Dayan kabilang ang barong at sapatos.
Taong 2012 naman umano nang mapanood niya ang sex video ni De Lima sa mismong cellphone ni Dayan.
“Ipinakita sa akin ang sex video ni De Lima at Dayan… ang isang video ay nakaupo si SOJ malapit sa shower na hubo’t hubad at ang isa ay nag-BJ (blow job) si SOJ kay Ronnie Dayan,” ayon pa kay Sanchez.
Isinalaysay din ni Sanchez na nang dumating ang security rider ni De Lima na si MMDA rider Warren Cristobal ay ito na ang naging paborito ng kalihim at lagi umanong nagseselos si Dayan kay Warren kaya sinibak ni De Lima ang una.
Maaro ran talaga iray taga Pangasinan.
Malinis na lalaki si RD, walang VD, walang STD, kaya D5 todo BJ.
Hayaan niyo na lang po na lumigaya yong dalawa. Kung may nagawa man silang labag sa batas, eh di, kasuhan niyo po sila.
Kung talagang hindi sya yun bakit di sya magkaso?
BJ and Saging good combination
Lol