Kinastigo ni Senador Leila de Lima ang gobyerno dahil sa pagtambak ng sangkatutak na prosecutor para siguruhin aniya na mapaparusahan siya sa mga inimbentong kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos italaga ng Department of Justice (DOJ) ang 18 personnel na bahagi ng prosecution panel sa superbisyon ni National Prosecution Service chief Prosecutor General Benedicto Malcontento.

“I detest in the utmost sense the latest move of DOJ Secretary Me­nardo Guevarra to deploy an army of special prosecutors led by no less than the Prosecutor General himself, PG Malcontento, for the sole purpose of prosecuting the farcical criminal cases filed against me,” sabi ni De Lima.

“That the PG himself is so named in no uncertain terms only raises fears of malcontent,” dagdag pa nito.

Noong Oktubre 4, itinalaga ni Guevarra ang 11 trial prosecutor at pitong DOJ administrative support at paralegal sa ilalim ng pamumuno ng prosecutor general para hawakan ang kaso ni De Lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Sabi ni De Lima, pagsasayang lang umano sa resources ng gobyerno ang pagpadala ng sangkatutak ng pro­secutor laban sa kanya. (Dindo Ma­tining)