Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. — Blackwater vs. Phoenix
6:45 p.m. — Meralco vs. Kia
Pinagpag ng Ginebra ang masakit sa matang simula, naiwan ng 10 sa opening quarter at 11 sa second bago sumingasing sa final half at pabalikin sa lupa ang NLEX 110-97 sa Petron Blaze Saturday Special-PBA Governors’ Cup kagabi sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Lulubog-lilitaw ang Gin Kings na nakalamang 26-24 pagkatapos ng first 12 minutes bago naiwan 39-28 sa jumper ni JR Quiñahan.
Nasa unahan ulit ang Ginebra sa break 50-48, pagbalik ay mala-bagyong nanalasa na hindi nasalag ng natarantang Road Warriors. Nagpapundar sa Gin Kings ng 86-66 edge sa lay-up ni Chris Ellis 1:25 pa sa third frame.
Jumper ni Mark Caguioa ang tuluyang lumagot sa four-game winning run ng Road Warriors nang ilayo ang Gin Kings sa biggest lead na 100-78, 7:21 sa fourth. Ang final tally ang pinakamalapit na pagdikit ng NLEX.
Harabas na double-double nina Justin Brownlee at Greg Slaughter ang nagpasolo sa Ginebra sa fourth sa third straight win tapos ang opening-day loss. Dumausdos ang NLEX sa 4-1 at bumagsak sa third, nalibre pang umangat sa tuktok ang Meralco at Star sa 3-0.
Nagbaon ang Gin Kings import ng 22 points at 13 rebounds kakabit ang 6 assists at four blocks at steals sa 38:29 job, off-the-bench ay nagkamada ang seven-foot slotman ng 10 points at 11 rebounds sa 24:34 play.
Balik Smart Araneta Coliseum ang regular doubleheader sa masuhan ng Meralco at Kia (0-4) sa nightcap pagkaraan nang bangasan ng Phoenix (2-2) at Blackwater (0-3).
Tudla ng Allen Durham led-Bolts na dugtungan pa ang mga pagkuryente sa Blackwater (107-78), Ginebra (93-78) at Rain or Shine (89-73) kontra Picanto na babalikatin ni Markeith Cummings.
Masasabak si Eugene Phelps at Fuel Masters sa magpaparada ng balik-import na Elite, si NBA journeyman Henry Walker na ginugol ang unang dalawang taon sa liga sa Alaska noong 2014 at NLEX sa nakalipas lang na season.