Pinalawig ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain ng Income Tax Returns (ITR) hanggang sa Mayo 15.
Unang nanindigan ang DOF at BIR na hindi palalawigin at mananatili lamang na Abril 15 ang deadline ng paghahain ng ITR sa kabila ng umiiral na 1 buwang enhanced community quarantine sa bansa, na bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan para sugpuin ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Gayunman, upang hindi na ito maging dagdag alalahanin pa ng publiko, umapela si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa DOF at BIR na magbigay ng konsiderasyon at palawigin pa ang deadline ng ITR filing, base na rin sa diskusyon nila ng kanyang mga kapwa senador.
“This appeal was based on my discussions with colleagues in the Senate, particularly Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Migz Zubiri, Senators Imee Marcos, Francis Tolentino, Pia Cayetano, Joel Villanueva, Bato dela Rosa, Nancy Binay, Bong Revilla and Ping Lacson, who all raised concerns on the impact of the COVID-19 situation on Filipinos trying to meet the tax deadline,” paliwanag pa ng senador.