Deadly tunnel sa Camarines Norte

dead-body

Patay ang dalawang trabahador ng isang small scale mining na kinabibilangan ng isang menor- de-edad matapos na makuryente habang nasa tunnel na kanilang pinagmiminahan kamakalawa sa Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronel Vergel, 17, at Mark Angelo Beraquit, nasa hustong gulang at mga residente ng Libmanan, Camarines Sur.

Base sa ulat ng pulisya, alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa pinagtatrabahuang minahan ng mga biktima sa Barangay Tagos nang  aksidenteng mahawakan ng mga biktima ang isang live wire dahilan upang agad na ma­ngisay ang mga ito.