‘Dear Uge’ papalitan ng programa ni Alden

Eugene Domingo

NAG-E-ENJOY si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account.

May tumutulong sa kanyang administrator dahil hindi siya ganun ka-techie pero kanya talaga ang caption na nilalagay na napakahaba pa madalas.

Lalong dumadami ang followers ng IG account niyang @akosilolitsolis na naging source na rin ng iba sa mga tsismis.

Meron kasi siyang InstaTalk kung saan sinasagot niya ng tanong ng followers niya.

Nalokah ang mga staff ng Dear Uge sa isang pasabog post niyang papalitan daw ng programa ni Alden Richards ang nasabing programa ni Eugene Domingo.

Nagbalik na kasi ang Celebrity Bluff na nagsimula na nu’ng Sabado nang gabi.

Sabi ng ilang taga-Dear Uge na nakausap namin, hindi raw sila naniniwalang tsutsugihin sila at papalitan ng programa ni Alden.

Consistent daw silang nagri-rate at nagustuhan daw ito ng mga boss ng GMA 7.

Kaya tingin nila, tuloy pa rin sila, at kung meron mang bagong programa si Alden, baka ibang timeslot ito dahil hindi raw puwedeng isunod sa Sunday Pinasaya.

Pero pinanindigan ni Manay Lolit ang ipinost niyang iyun at hindi raw niya buburahin. Wala raw siyang babawiin.