Determinado ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa kung saan kabilang sa mga irerekomendang patawan ng parusang ito ay ang mga aiport official na nagpapalusot ng mga drug mules sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers ng Surigao del Sur, panahon na para patawan ng death penalty ang mga airport official na responsable kaya nakakalabas ang mga Filipino na may bitbit na droga patungo sa ibang bansa.

“I want the death penalty imposed against erring and grossly negligent airport authorities including immigration officials responsible for allowing drug mules to depart from our airports without being apprehended and worse, undetected,” ayon kay Barbers.

Kamakailan ay isa pang Filipina drug mule ang nasakote sa Hong Kong na ipinagtataka ni Barbers dahil ang mga maliliit na bala ay kayang i-detect ng mga airport officials pero ang mga droga ay hindi nila nakikita.

“We have become the laughing stock of our neighbours due to these drug mules from the Philippines. It is really hilarious how our ‘over-zealous’ airport authorities can detect the tiniest bullet in the luggage of innocent passengers — yet become blind in detecting the tons of drugs in the person or luggage of these drug mules despite ‘tighter­’ security measures,” ayon pa sa kongresista.

Naniniwala si Barbers na kung hindi nagpapabaya ang mga airport officials ay talagang mayroong mga kasabwat ang sindikato ng droga sa kanilang hanay kaya nakakalusot ang mga drug mules.

Ang masaklap aniya, hindi ang mga ito ang nagdurusa kundi ang mga kababayang ginagamit ng sindikato ng droga na karaniwang napaparusahan ng kamatayan kaya ito rin umano ang dapat iparusa sa mga airport officials.