Defenders sinandigan si Balboa

Nahirapan sa second period, pero agarang nakabawi ang defending champions Senate Defenders sa likod ng 17 points ni Rommel Balboa kontra PITC tungo sa 65-59 desisyon sa pagsisimula ng quarterfinals ng 7th UNTV Cup nitong weekend sa Pasig City Sports Center.

Malakas ang simula ng Defen­ders nang tapusin ang unang quarter na bitbit ang 17-6 lead. Pero nanlamig sa second quarter kaya’t tinapos ng Global Traders ang halftime hawak ang 28-27 bentahe.

Umalagwa sina Balboa, Jeff Sanders, at Sen. Joel Villanueva ng Defenders hanggang dulo para ire­histro ang four-game winning streak.