Muling mapapanood ang programa ng PTV4 hinggil sa extremism at Martial Law upang magbigay ng dagdag na kaalaman sa publiko hinggil sa idineklarang Batas Militar sa Mindanao.

Binuo ang progra­mang #DefendRepublic upang talakayin ang mga opinyon ng ilang political analysts at ipaliwanag ang sitwasyong nagaganap sa Marawi City at sa buong Mindanao at kung bakit humantong sa deklaras­yon ng Batas Militar.

Inilarawan sa programa bilang extremism ang karahasang gawa ng teroristang grupo kaya’t para mapigilan ito, idineklara ang Martial Law sa lalawigan.

Samantala, magkakaroon din ng isa pang programa ang PTV-4 na may titulong Countering Violent Xtremism na ipalabas ngayong Hunyo.

Kaugnay nito ay nananawagan si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin ­Andanar sa publiko na patuloy na suporthan ang programa at i-share sa facebook pages at account upang mas lalo pang dumami ang mga Pilipinong maabot ng mahahalagang impormasyon at kaalaman hinggil sa mga pinakamahahalagang issue na tinata­lakay sa bansa.