Deguara, Alab bumawi vs Taiwan

DEGUARA, ALAB BUMAWI VS TAIWAN

Lumaklak si Maltese big man Sam Deguara ng 26 markers at 14 boards nang itaob ng Alab Pilipinas ang Taipei Fubon Braves, 101-96, sa 10th ASEAN Basketball League 2019-2020 eliminations Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Ang angas ng Maltese big man ang nagpabalikwas sa Pilipino quintet mula sa 98-93 loss kontra Macau Wolf Warriors sa naturan ding playing venue nitong Linggo.

Malaking ambag din ang nakuha ni Jimmy Alapag kay Jeremiah Gray dahil sa magandang depensa kay ex-NBA cager O.J. Mayo.

“He had a huge task for young player like him to guard an 8-year NBA veteran,” puri ng Alab coach kay Gray. “He did a great job-defensively and offensively he came down and hits huge shots.”

Pabibo rin ng 22 markers at 6 boards si Nicholas King habang 21 points si Khalif Wyatt upang iangat ang kartada ng PH squad at kipkipin ang third slot sa 5-2 win-loss record.

‘Di naman naging sapat ang game-high 35 markers ni Mayo kaya laglag sa ikaapat na puwesto sa 6-4 marka ang bumisitang Taiwanese.
Ang iskor:

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS 101 — Deguara 26, King 22, Wyatt 21, Gray 17, Brickman 5, Caracut 5, Domingo 2, Vigil 2, Ganuelas-Rosser 1, Heading 0.

TAIWAN FUBON BRAVES 96 — Mayo 35, Garcia 27, Esho 13, K. Lin 8, J. Lin 8, Hung 3, M. Lin 2, Tseng 0, Kuo 0, Weir Chern 0, C. Lin 0, Hung Hsing 0.
Quarters: 20-28, 44-44, 67-68, 101-96. (Aivan Denzel Episcope)