Dekalidad na serbisyo tiniyak ni Angara sa UHC Law

Tiniyak ni Senador Sonny Angara na lahat ng Pilipino ay mabibigyan ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng Universal Health Care Law.

Ayon kay Angara, ang naturang batas ay isang malaking hakbang para maging malusog ang mga mamamayang Pilipino dahil awtomatikong mapapabilang ang lahat sa National Health Insurance Program.

Sinabi pa ni Angara, isa sa mga may akda ng batas, na kabilang sa karapatang ibibigay sa ilalim nito ay ang libreng preventive health care services­ para matulungan ang taumbayan na manatiling­ malusog at maagang ma-detect ang anumang mga health problem.

Kabilang din sa libreng health service ay ang pagpapa-checkpup, laboratory test at gamot.

“Unti-unti na nating nakakamit ang ating adhikain na dapat ay walang Pilipinong nagigipit tuwing nagkakasakit,” ani Angara. ­