Dela Cruz nagpapraktis na sa Ginebra

Magandang development sa Ginebra ang pakikisali na sa praktis ni Art dela Cruz, lalo ngayong tadtad ng injuries sa key players ang PBA Governors’ Cup defending champions.

Umabot ng 14 na buwan na nawala ang 6-foot-4 forward na produkto ng San Beda dahil sa Achilles tendon injury na nakuha niya noong December.

Noong nakaraang taon lang din napunta sa Gin Kings si Dela Cruz mula Blackwater na kumuha sa kanya bilang 9th pick overall noong 2015 draft.

Hindi raw nawala sa praktis si Dela Cruz, pero nitong Martes lang siya nakisali. Nasa sidelines lang, nanonood, pero sinasabihan siya ng coaching staff kung saan siya dapat – sa small forward o sa point.

Hindi pa sigurado kung kailan makaka­laro si Dela Cruz, pero malaking bagay na nakakasama na sa praktis.

Wala pa rin sa Ginebra sina Greg Slaughter (right ankle), Jervy Cruz (foot), rookie Julian Sargent, at si Japeth Aguilar (calf).
Posibleng makabalik na si Aguilar, pero si Joe Devance naman ang maaaring iupo muli ni Tim Cone.

Galing injury si Devance, pinilit lang maglaro sa huling tatlong salang at mukhang inabot ng stress fracture ang paa.

Susunod na laro ng Gins bukas, Biyernes, kontra NLEX.

Depleted ang lineup pero naigapang ng Ginebra ang 5-1 record para upuan ang top spot ng season-ending confe­rence.