Iniligtas ni Paul Paron dela Cruz sa muntik na pangingitlog ang bansa­ sa compound archery nang makapana­ ng bronze sa Synthetic Turf Field ng ­National Sports Centre sa pagbulaga kay 2015 Singapore SEA Games ­silver winner Malaysian Zulfadhli Ruslan 10-9 sa shoot-off.

Umabot sa extra match ang dalawa­ nang hindi mabaklas ang pagkakabuhol sa 144 matapos ang 44 arrows. Pagkaraang swabeng maka-10 points sa unang pagtirada, na-pressure ang Malay archer pero 9 lang ang kinaya.

Gold-silver sina Primus Wisnu Wardhana ng Indonesia at Mohd ­Juwaidi Mazuki.

Sa pito pang teammates ni Dela Cruz mataas nang naging best finish ang quarterfinals ni two-time SEAG champion Amaya Amparo Cojuangco sa women’s individual.

Mas mababa pa sina Abbigail Tindugan, Kim Concepcion, Jennifer Chan, Earl Benyamin Yap, Niron Brylle Concepcion at ­Joseph Benjamin ­Vicencio.