TEAM STANDINGS
GROUP A W L
AFP 3 0
DOA 2 0
Ombudsman 1 1
PITC 1 2
PhilHealth 0 2
SSS 0 2

GROUP B W L
MP-PSC 2 0
DENR 2 0
NHA 1 1
Judiciary 1 1
GSIS 0 2
PNP 0 2

Mga laro bukas:
(Pasig City Sports Center)
2:00 p.m. – GSIS vs Malacañang Palace-PSC
3:30 pm – Ombudsman vs PhilHealth
5 p.m. – Judiciary vs NHA

Nais ng Malacañang Palace-Philippine Sports Commission na isama sa mga biktima ang Government Service Insurance System kapag nakatapat-tapat bukas ng alas-2:00 ng hapon, back-to-back win ang pakay ng two-time champion na Judiciary sa pagpapatuloy ng 8th UNTV Cup 2019 eliminations sa Pasig City Sports Center.

Babalikat sa MP-PSC Kamao (2-0) sina dating national pool member Eric dela Cuesta at Ian Garrido, ang top scorers ng koponan tapos hakbangan ang National Housing Authority at Judiciary sa Group B.

Sasandalan naman ng GSIS Furies (0-2) si Rene Boy Banzali upang ibawi ang 2 pagkakatalo.

Asahan din ang matinding girian ng Judiciary Magis (1-1) laban sa NHA Builders (1-1) sa sa alas-5:00 ng hapon sa torneong inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon na may P4M cash prize na ibibigay sa chosen charity.

Papagitna rin ang Ombudsman (1-1) at PhilHealth Plus (0-2) sa alas-3:30 ng hapon. (Aivan Episcope)