Dela Rosa kailangan ni Digong sa giyera kontra droga

Dinepensahan ng Palasyo ng Ma­lakanyang ang pananatili ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa puwesto sa kabila ng eskandalong kumukulapol sa PNP partikular sa ‘tokhang for ransom’ kung saan pinatay sa loob mismo ng Camp Crame ang biktimang Koreano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Ma­lakanyang kahapon na kaya pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dela Ro sa puwesto ay dahil kailangan niya ito sa giyera kontra droga.

“Like I said, this simply goes to show that the depth of… corruption has really taken root within government institutions and we need to continue to support efforts like the President’s and PNP General Director Dela Rosa in… addressing crime and corruption,” pagdidiin ni Abella.

Kinuwestiyon din ng media ang Pa­lace spokesman kung bakit patuloy na nagtitiwala ang Pangulo sa PNP chief sa kabila ng nangyayari sa pinamumunuan nitong tanggapan.

“Simply because he understands that whatever happened and has happened… exactly speaks about the concerns that he had regarding crime and corruption,” dagdag ni Abella.

Nilinaw din ni Abella na dahil sa natuklasang ‘tokhang for ransom’ ay matindi ang pangangailangan ni Dela Rosa na walisin ang mga scalawag sa PNP.