Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Galilo. Pls find additional information below sent by the OFW.

We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,
John Leonard Monterona, U-OFW

***

Dear Mam/Sir

Gusto ko na pong umuwi ng Pilipinas dahil delay na ang sahod ko ay kulang pa po.

Noong Hulyo 15, 2016 isang buwan ko nakuha po ang sahod ko. August 8, 2016 may resibo na iniabot at nakita ko 1200 Saudi Riyal lang.

Ang pinirmahan ko ay 1500 Saudi Riyal ang dapat kong buwanang sahod.

Humingi po ako ng tulong sa family ko sa agency ko sa Pinas pero wala sila aksyon sa recruiter ko sa Pinas. Sana po matulunggan niyo po ako. God bless at thank you po.

Rachelle Ann V. Galilo

***

Nananawagan tayo sa mga ahensya ng ating gobyerno na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW dahil kailangan ang inyong tulong ng ating kababayang si Rachelle Ann.

Sa impormasyon ni Rachelle ang REJOICE EMPLOYMENT INTERNATIONAL ang ahensyang nagpaalis sa kanya sa Pilipinas noong Hunyo 14, 2016 na ang counterpart na ahensya sa Saudi ay Al-Abbad Recruiting Office.

Sa katunayan sinabi ng U-OFW na naiparating na nila ang hinaing ni Rachelle sa POLO-OWWA RIYADH/AL KHOBAR ,OWWA RAD,POEA REPATRIATION UNIT OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR at maging sa mga recruiter ng ating kababayan pero nananatiling walang tugon ang mga nasabing tanggapan.

Kaya makikipag-ugnayan ang BayaniKa sa na­sabing mga tanggapan upang makakuha ng update sa idinulog na problema ng U-OFW. Ilalathala na­min sa mga susunod na araw anuman ang maging tugon sa hinaing ni Ms. Galilo.