Sir/Madame,
Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Gabato.
Pls. find additional information below sent by the OFW. We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona, U-OFW
***
Ako si JULIET ABUYIN GABATO, World Class Career Icons Corporation ang agency ko sa Pilipinas at World of Experience Recruiting Agency naman dito sa Dammam, Khalid at employer ko si MUBARAK ALHMEDI na nakatira sa STREET-15 DISTRICT-EAST DAMMAM.
Ang nakalagay na address niya sa kontratra pero nasa Nairiyah po sila ngayon nakatira at hindi ko alam ang eksaktong address dito.
Enero 30, 2015 nang dumating ako dito. Hindi po ako sinasahuran sa takdang buwan, umaabot ng lima o anim na buwan. Lagi po ako pinapapirma hindi naman ibinibigay agad.
Ngayon ay tatlong buwan po hindi binigay ang isang buwan na pinirmahan ko lagi nya sinasabi “inshalah daw.”
Lagi pa ako pinapagalitan ng amo ko kahit wala na man po ako kasalanan.
Nanakit din minsan anak nila pito po anak nila pero apat lang nasa kontrata. Sobrang init din po kwarto ko nasa labas po ng bahay nila nakadikit lang kwarto ko sa pader hindi po ako nakakatulog lagi po sumasakit ulo ko.
Natatakot na po ako kasi ginagawan po ako ng istorya ng amo kong babae na hinahawan ko daw titi ng mga bata, kahit hindi naman. Ire-report daw ako ni Madam ayaw naman maniwala sakin na hindi ko ginawa yon.
Isa pa may CCTV sa kwarto ko wala po ako privacy. Dito buong bahay may CCTV gusto ko na po talaga umalis dito.
Sir sana matulungan naman ako.
***
Ang email na ito ay ipinadala rin ni Juliet sa U-OFW at sa POLO-OWWA AL KHOBAR, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR pero katulad ng ibang kaso ay hindi pa rin naaksyunan.
Kaya sa pamamagitan ng paglalathala ng liham ni Juliet ay umaasa tayong makakalampag ang mga nabanggit na ahensya ng ating pamahalaan na personal ding ilalapit ng BayaniKa.
Sa mga susunod pong araw ay aming ilalathala ang naging tugon sa karaingan ng ating kababayang si Juliet.