palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang ginawang pamamaslang sa isang delivery boy makaraang basta nalang ito pagbabarilin ng ri­ding in tandem isang kalye sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may-hawak ng kaso, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) nakilala ang biktima na si Darwin Valdez y Abongar, 26, single ng No. B-66, Lot-10, Phase 6, Sta. Barbara Villas 1, San Mateo.

Nangyari ang insidente dakong ala-1:05 ng madaling-araw sa kahabaan ng Kalayaan St., kanto ng Kalusugan St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa pahayag kay PO2 Balbuena ng mga saksing sina Jericho Aborque at Darwin Valdez, nag­lalakad sila sa natu­rang lugar nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at bigla na lang huminto na para umanong may inaabangan.

At ilang sandali pa, nang makita ang biktima, bigla umanong bumunot ng baril ang backrider saka pinagbabaril ang biktima na agad na ikinasawi nito.

Nang matiyak umanong patay na ang pakay ng mga suspek ay saka mabilis na pinaharurot ang motorsiklo na hindi na plakahan patungo sa direksyon ng Commonwealth Avenue.