Delivery ng pagkain babantayan ng PNP

Magbibigay ng mga escort ang Philippine National Police (PNP) sa mga behikulo na magde-deliver ng mga pagkain at mga pangunahing pangangailangan upang agad itong makarating sa patutunguhan.

“We agreed with the armed forces na all of these checkpoints sa expressways pag sinabi na these delive­ries would pertain to a specific grocery, we would provide escorts to ensure that it would really go to groce­ries,” pahayag ni PNP Director General Archie Gamboa sa isang panayam sa telebisyon kahapon.

Samantala sa hiwalay namang panayam, sinabi ni PNP spokeperson Brig. Gen. Bernard Banac na sa ngayon ay kanila pang isinasapinal ang kanilang guideline sa pagmando ng mga checkpoint dahil sa Luzonwide enhanced community quarantine na ipinatupad ng gobyerno. (Edwin Balasa)
“Sa ngayon ay binabalangkas ng PNP ang final na instructions at ang ipapatupad natin diyan papayagan naman sila na makauwi, yun lamang ipakita nila ang kanilang ID na patunay na sila ay patungo at pauwi na,” pahayag ni Banac

Nagkakaroon kasi ng problema sa mga checkpoint dahilan upang lumobo ang dami ng mga commuter na gustong pumasok at lumabas sa Metro Manila.
Sa parte naman ng Philippine Army, sinabi ng tagapagsalita nito na si Lt. Col. Ramon Zagala na kung kinakailangan ng assistance ay huwag mag-atubiling lmapit sa pulis o sa mga sundalo na nagmamando ng mga checkpoint para mabigyan ng katugunan ang kanilang mga tanong.

“Kung kailangan nila ng assistance, puwede po silang lumapit either sa PNP or Army personnel, identify lang nila ano ang pangangailangan nila and we will assist them,” pahayag ni Zagala.