Halos walong buwan na ngayon mula nang dumanas si Demi Lovato ng heroin overdose na muntik na niyang ikasawi.

Ang problema ngayon ay kung paano niya mapanghahawakan ang kanyang pangako na magbabago lalo’t dalawang beses siyang dumanas ng kabiguan.

Dumaraan si Demi sa mabigat na pagsubok. Araw-araw ay matindi ang mga problemang kinakaharap niya.

Isa lamang na pagkakamali ay babalik uli siya sa rehab. Kaya naman ang kanyang mga mahal sa buhay ay nakabantay.

Nag-aalala ang kanyang pamilya matapos makipaghiwalay ni Demi sa kanyang boyfriend na si Henry Levy.

Natatakot ang mga ito na baka mag-relapse siya o bumalik sa dating bisyo dahil sa nangyari.

Nagkakilala sina Demi at Henry sa rehab.

Halos ilang buwan pa lang silang may relas­yon ay nagkahiwalay na sila.
Mahirap paniwalaan dahil halos hindi mapaghihiwalay ang dalawa noong nasa loob sila ng rehab. “Down na down ngayon si Demi at broken hearted kaya naman lahat ay naghihikayat sa kanya na maglaan ng ilang oras para ituon sa sarili,” ayon pa sa isang source.

Mahirap daw kasi para kay Demi yung walang karelasyon dahil hindi siya sanay na mag-isa. Kaya naman di­namdam daw ng singer ang paghihiwalay nila ni Henry.

Pero mas malaki raw ang magiging problema kung makikipagbalikan siya dito. “Everyone’s biggest fear is seeing Demi go off the rails again but there’s a real chance that could happen if she goes through another bad break-up,” ayon pa sa isang source.

Pero umaasa ang mga taong nagmamahal kay Demi na sana ay gamitin niya ang sakit na nararamdaman.

Ito’y para tuluyang umiwas sa pagpasok sa panibagong relasyon. Obviously, tanging si Demi lang ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa kanyang sariling sobriety, ngunit ang mga tulad niyang nasa recovery stage pa lamang ay kadalasang dini-discourage na pumasok sa anumang bagong romantikong relasyon.

Dahil dito, pinapayuhan siya ng mga taong nakapalibot sa kanya na magpahinga muna si Demi sa pakikipagrelasyon. (Lourdes Fabian)