Demps palpak sa Davis trade, sibak

Demps palpak sa Davis trade, sibak

Nagkaroon ng mabi­gat na epekto sa New Orleans Pelicans ang hayagang hiling ni Anthony Davis na magpa-trade.

Sinibak ng Pelicans si ninth-year general manager Dell Demps, uumpisahan agad ang paghahanap ng ipapalit na maaaring makaisip ng magandang solus­yon kung paano hahawakan ang trade request ni Davis.

Kasama ng agent, sinabi ni Davis noong January na hindi na siya pipirma ng extension sa New Orleans. Gusto raw niyang lumipat sa isang contender team.

“As difficult as these decisions are, my responsibility is to provide the leadership and resour­ces necessary to deliver a winning team to our fans and community,” bahagi ng statement ni Pelicans owner Gayle Benson.

Pagkatapos ng 2019-20, may isang season pa si Davis sa kanyang kontrata. Dahil tapos na ang trade deadline, wala nang magaganap na trade hanggang July.

No. 1 overall pick si Davis noong 2012 NBA draft, sa pitong seasons ay nakaanim na All-Star appearances na.

Ang bagong gene­ral manager na rin ang magdedesisyon kung sisipain o pananatilihin si coach Alvin Gentry.