Tuluyan nang isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Tupi sa South Cotabato matapos makapagtala ng apat na batang namatay at 300 na iba pa ang dinadapuan ng sakit na dengue.
Base sa datos ni Tupi Mayor Reynaldo Tamayo, tatlong barangay sa kanilang bayan ang may mataas na kaso ng dengue at ito ay ang Poblacion, Acmonan at Bunao.
Sa nasabing mga bayan din nagmula ang mga nasawing biktima na nasa edad 12-anyos pababa.
Siksikan na sa kanilang district hospital ang mga pasyente na may dengue dahilan upang ideklara ang state of calamity upang may magamit na pondo.
Inabisuhan na rin ang mga barangay officials at purok leaders na magsagawa ng paglilinis upang mapuksa ang lamok na may dalang dengue.