Dengue cases sa Cebu lumala

Dengue

Nakaalerto ngayon ang Provincial Health Office ng lalawigan ng Cebu dahil sa naitalang lumalalang kaso ng dengue simula pa noong Enero ng taong ito.

Ayon kay Provincial Epidemiology and Surveillance Unit Officer Cyril Pangatungan, iniulat na pito na ang patay habang 1,500 na ang kaso ng dengue sa kasalukuyan.

Lima ang patay noong buwan ng Enero habang may naitalang 729 na kaso noong Enero at 648 noong Pebrero.

Ngayong Marso, nasa 123 naman ang naitala sa unang dalawang linggo.

May pinakamataas na kaso ng dengue sa Consolacion, hilagang bahagi ng Cebu na may 170 kaso, Talisay na may 115 na kaso, Toledo City na may 112 na kaso, pang-apat ang Danao na may 91 kaso at ang bayan ng Carcar na may 88 na kaso ng dengue.