Maaari nang masubukan sa Mexico ang kauna-unahang vaccine para sa dengue virus sa susunod na linggo.

Nabatid na ang Dengvaxia vaccine ay gawa ng Sanofi, isang French pharmaceutical at inilunsad sa isang event sa Eastern Mexico, kamakalawa.

Ang mga nasa edad 9-45 ay maaari nang makapagbakuna sa kanilang mga doktor sa Lunes.

Nalaman sa Sanofi na mayroon na silang 1 milyon doses na nakahanda para sa Mexico.

Sinabi ni Guillame Leroy, head ng Sanofi’s dengue­ program na hindi pa nila mataya kung magkano ang halaga ng vaccine sa Mexico.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang research para sa vaccine sa Zika virus.